Mga Guro

Ipinapakita ng pahinang ito ang listahan ng mga tao na itinakdang "mga guro" ng kursong ito (ng administrador ng sistema).

Magagamit mo ang form na ito sa pagtatakda ng role (titulo) sa bawat tao tulad ng "Propesor", "Tyutor", "Assistant" at iba pa. Lilitaw ito sa listahan ng mga kurso ng site at sa listahan ng mga kalahok sa kurso mo. Kapag iniwan mong blangko ang role, ang default na salita para sa guro ang gagamitin (alalaong baga'y iyong isinet mo sa pahina ng Mga Setting ng Kurso).

Maaari mo ring iayos ang listahang ito (halimbawa ay iuna ang pangunahing guro). Magselect lamang ng mga bilang mula sa mga menu sa "Order (Pagkakasunod-sunod)" na column. Pagkatapos mong pindutin ang "Isave ang mga pagbabago" makikita mo na ang bagong kaayusan.

Kakaiba ang mangyayari kung iselect mo ang "Itago" para sa guro. Sa kasong ito, ang guro ay HINDI IPAPAKITA sa mga listahan ng kurso o sa listahan ng mga kalahok. "Itatago" sila sa mga mag-aaral (maliban sa kung magpost sila ng mensahe sa mga talakayan atbp)

Mapapagpilian mo rin kung bibigyan mo ng karapatang mag-edit ng kurso ang isang guro. Ang mga gurong walang karapatang mag-edit ay maituturing na tyutor ng kurso. Sila ay:

  1. hindi puwedeng magbago ng balangkas ng kurso
  2. hindi puwedeng mag-enrol o magtanggal ng mga mag-aaral
  3. puwedeng magbigay ng marka
  4. puwedeng mamahala sa mga aktibidad

Kapag inasayn sa isang pangkat, magagawa lamang nila ang gawaing 3 at 4 sa pangkat na iyon.